DE LIMA, TUTUTOK NA SA DISMISSAL NG KANYANG MGA KASO

TUTUTUKAN na ni Senador Leila de Lima ang dismissal sa kanyang mga kaso matapos ang kabiguan sa nakalipas na National at Local Elections.

Iginiit ni De Lima na target niyang tapusin ang mga gawa-gawang kaso laban sa kanya upang makamit ang kanyang kalayaan.

“I will now have to focus on the dismissal of the fabricated drug cases against me so I can finally be released,” saad ni de Lima.

“It may have taken years of injustice and persecution, but truth and justice will always prevail. It has no timeline,” dagdag ng outgoing senator.

Para sa mambabatas, ang kanyang kalayaan ang naging kapalit ng kanyang mga pakikipaglaban sa administrasyon partikular sa mga tinawag na ‘extrajudicial killings’.

Umaasa ang kampo ng senador na maibabasura na ang kanyang mga kaso makaraang magbaligtaran na ang mga testigo laban sa kanya. (DANG SAMSON-GARCIA)

56

Related posts

Leave a Comment