DEATH TOLL SA TD MARING UMAKYAT SA 30, 14 MISSING

0

PINANGANGAMBAHANG lolobo pa ang bilang ng mga nasawi sa ilang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa MIMAROPA at Northern Luzon na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa inilabas na Situational Report No. 5 ng National Disaster Risk Reduction Management Council, kahapon ng umaga ay 30 na ang bilang ng mga nasawi habang 14 ang patuloy na pinaghahanap.

Sa nasabing bilang, 19 na ang kinumpirma ng NDRRMC habang bina-validate pa ang ibang iniulat na nasawi.

Sa 14 na nawawala, labing tatlo ang kumpirmado na ng ahensiya.

Nabatid na 1,775 families o 7,370 ang displaced individuals na tumuloy sa 124 evacuation centers mula sa Regions 1, 2, 3, 6, MIMAROPA, Caraga at Cordillera Autonomous Region.

Tinataya namang pumalo na sa P692,035,694 ang produktong agrikultura na napinsala ng Bagyong Maring sa Regions 1, 2, CAR at iba pa. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment