DEBATE SA HIGIT P6-T 2025 NAT’L BUDGET UMARANGKADA

SINIMULAN nang talakayin at pagdebatehan sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 10800 o 2025 general appropriations bill na nagkakahalaga ng mahigit anim na trilyong piso.

Personal na binuksan ni House Speaker Martin Romualdez ang deliberasyon sa P6.352 trillion pambansang pondo kung saan pinatutsadahan nito ang mga aniya’y ipokrito na nag-aakusa sa Kamara ngunit umiiwas magpaliwanag sa hindi maayos na paggamit sa pondo ng bayan.

“To these individuals, I say, let us be clear: this chamber will not tolerate hypocrisy, nor will it stand idle in the face of such blatant disregard for public trust. Hindi maaaring magturo ng daliri ang may sariling kasalanan. Sa harap ng Kongreso, lahat ay dadaan sa tamang proseso, at walang makakatakas sa pananagutan,” ani Romualdez.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Romualdez subalit hindi lingid sa lahat na binusisi ng Kamara ang budget ni Vice President Sara Duterte partikular na ang kanyang confidential at intelligence funds noong 2022 subalit tumanggi ang huli na sumagot.

“Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling pakinabang ng iilan. Tungkulin natin na tiyakin na bawat piso ay ginagamit para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang 2025 national budget ay mas mataas ng 10% kumpara sa P5.768 trillion na pondo ngayong 2024 subalit ayon kay Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, miyembro ng Minority bloc sa Kamara, kahit paatas nang pataas ng budget ng gobyerno ay hindi pa rin umaangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.

“The lingering impact on the economy is still lingering in the lifes of millions of Filipino families. They continue to struggle with financial security, poverty and rising cost of living even as the national budget continuous to expand,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na kung nais ng gobyerno na maingat ang buhay ng mamamayan habang lumolobo ang pambansang budget ay kailangan ang epektibong pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa lahat ng mga Pilipino. (BERNARD TAGUINOD)

18

Related posts

Leave a Comment