Defensor nangunguna rin sa Pulso ng Pilipino survey BBM RATSADA NA SA 51%

LALONG lumalabo ang posibilidad na makahabol pa si Vice President Leni Robredo kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. halos apatnapung araw na lamang bago ang halalan sa darating na Mayo 9.

Bawat araw ay nadaragdagan ang kalamangan ni Marcos kay Robredo base sa iba’t ibang survey.

Sa inilabas na datos kamakalawa ni Ed Malay, director ng The Issues and Advocacy Center, base sa resulta ng kanilang Pulso ng Pilipino Survey ay nakapagtala si Marcos ng 51% habang kulelat naman sa 21% si Robredo.

Ang survey ay ginawa noong Marso 7 hanggang 13, 2022 na may 1,800 na respondents.

Ayon kay Malay, mahihirapan na makahabol pa si Robredo kay BBM dahil ilang araw na lang ay eleksyon na.

Sinabi pa niya na kailangan linggo-linggong makapagtala si Robredo ng 10% na karagdagang susuporta sa kanya para siya makahabol, na imposible aniyang mangyari.

Inihalimbawa ni Malay noong tumakbo si dating Pangulong Fidel Ramos noong 1991 ay nakapagtala lamang siya ng 3% kada linggo.
Binanggit pa niya na posibleng magbago pa ang survey ni Robredo na maaaring mabawasan, subalit hindi na siya makakaabot sa numero ni BBM.

Idinagdag pa niya na hindi bumababa si BBM sa iba’t ibang survey.

Pumangatlo naman sa nasabing survey si Isko Moreno na may 10%, Ping Lacson 8%, Manny Pacquiao na may 4%, Ka Leody de Guzman 1%, Ernesto Abella .5%, habang magkakapareho sina Jose Montemayor, Faisal Mangondato at Bert Gonzales na may tig .25%, at undecided na 3.25%.

Nangunguna rin sa lahat ng rehiyon si BBM, sa Mindanao ay nakakuha siya ng 55%, pumangalawa si Moreno na may 12%, pangatlo si Robredo na may 11%.

Malayo rin ang lamang ni BBM sa National Capital Region (NCR) partikular sa Luzon na may 49% at Visayas na may 48, samantalang si Robredo na pumangalawa ay may 27% sa Luzon at 26% sa Visayas.

Ang 48% na bumoto kay BBM ay nasa bracket ng edad 18 hanggang 35 at nakuha rin niya ang karamihan sa 36-anyos pataas.
Nakapagtala rin ng 53% ng boto si BBM mula sa higher end at ABC segment.

Dinomina rin niya ang D category na may 57% at 55% sa E class o yung mahihirap na pamilya.

Mataas din ang numero sa survey ni Mayor Inday Sara na may 48.75%, Tito Sotto ay 25.25%, Dr. Willie Ong ay 10.75%, Kiko Pangilinan 8%, Lito Atienza 2.5% at Lito David na may 1%.

Sa mga senador, nangunguna si Raffy Tulfo na may 54%, Alan Peter Cayetano 53%, Loren Legarda 50%, Chiz Escudero 49%, Migz Zubiri 47%, Mark Villar na 46%, Sherwin Gatchalian 45%, JV Ejercito 41%, nasa pang 9 at 10 sina Risa Hontiveros at Jojo Binay 38% at parehong nasa pang 11 at 12 sina Robin Padilla at dating Sen. Jinggoy Estrada na may 35% at 34%.

Nakakuha naman si Sen. Joel Villanueva ng 31%, Gibo Teodoro ng 28%, Herbert Bautista 26%, Dick Gordon 26%, Greg Honasan 23%, Guillermo Eleazar 21%, Harry Roque 18%, Sonny Trillanes 18% at Larry Gadon 16%.

Nananatili namang lamang si Congressman Mike Defensor sa katunggali sa mayoralty race sa Quezon City na si incumbent Mayor Joy Belmonte.

Si Defensor ay nakakuha ng 57% o 15% na lamang sa 37% ni Belmonte.

Maging ang runningmate ni Defensor na si Quezon City Councilor Winnie Castelo ay nagtala ng double digit na lamang sa katunggaling si incumbent Vice Mayor Gian Sotto sa botong 55% kumpara sa 30% ng huli.

Dahil dito, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ang dalawang pambato ng UniTeam sa mayoralty race, sa mga taga-Quezon City.
Lamang na lamang din ang mga kandidato ni Defensor sa anim na congressional district ng Quezon City.

Sa unang distrito, nakakuha ng 54% si reelectionist Rep. Onyx Crisologo laban sa 29% lamang ng kalaban na si Juan Carlos Atayde habang sa ikalawang distrito. Halos wala ring problema si 3rd District incumbent Rep. Allan Benedict Reyes na nakakuha ng 52% habang 32% lamang sa kanyang kalaban na si Councilor Franz Pumaren.

Dikitin naman ang magiging laban sa ikaapat na distrito dahil ang pambato ni Defensor na si Marvin Rillo ay nagtala ng 47% laban kay Rep. Bong Suntay na may 45%.

“In the fifth district, businesswoman Rose Lin of Malayang Quezon City gained the upper hand, scoring 38 percent against Patrick Michael Vargas’ 36 percent, ” ani Defensor.

Mistulang nakakasiguro na rin umano si Bingbong Crisologo sa ikaanim na distrito ng lungsod na may 51% habang 35% lamang ang nakuha ng kanyang kalaban na si Marvic Co-Pilar.

261

Related posts

Leave a Comment