(NI ABBY MENDOZA)
DINEPENSAHAN ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor ang mga kongresista na nagla-lobby ng budget para sa kanilang mga constituents sa katwirang isa ito sa kanilang trabaho.
Aminado si Defensor na isa sya sa mga kongresista na humingi ng dagdag na P500M budget para pondohan ang ilang ospital sa Tawi-Tawi, Pampanga, Batangas at Ifugao provinces.
“Congress has the power of the purse. Sa katotohanan po, kasama sa trabaho ng mambabatas na siguruhin na magkakaroon ng pondo ang pangangailangan ng mamamayan. Representatives would best know the needed social services at the local level,” paliwanag ni Defensor.
Kasabay nito, umaapela si Defensor sa mga senador, partikular kina Sen Panfilo Lacson at Franklin Drilon na itigil na ang rumor-mongering o pagkakalat ng tsismis dahil hindi ito trabaho ng mga senador.
Imbes na silipin ang mga kongresista ay mainam na suriin muna nitong mabuti ang nilamaman ng 2020 national budget.
“Rumor-mongering has no place in legislative work. We appeal to the honorable members of the Senate to read and scrutinize first the transmitted bill before passing judgment on the product of the congressmen’s hard work. Hindi po tama na makialam ang sinumang kasapi ng Senado sa trabaho ng mga kongresista habang dinidinig pa namin ang panukalang batas. Ano ang basehan ng mga komento sa GAB (General Appropriations Bill) kung hindi pa nila nababasa ang nilalaman nito?” giit pa nito.
Ang mga reklamo ng mga senador ay maaring isa isahin sa gagawing bicameral conference committee na gagawin sa buwan ng Nobyembre.
Patutsada pa ni Defensor na ang pondo pa ng mga senador para sa mga proyekto nito ang dapat tanggalin dahil wala naman itong sariling constituents.
122