DELA ROSA IIMBESTIGAHAN SA GCTA LAW SA BILIBID – OMBUDSMAN

dela rosa12

(NI ABBY MENDOZA)

INAMIN ni Ombudsman Samuel Martires na kasama sa kanilang iniimbestigahan sa isyu ng paglabag sa Good Conduct Time Allowance(GCTA) Law si dating Bureau of Corrections(BuCor) chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa.

Si dela Rosa ay nagsilbing BuCor Chief mula Abril hanggang Oktubre ng taong 2018.

Ayon kay  Martires maliban kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon ay kasama rin si dela Rosa sa motu proprio investigation gayundin ang iba pang naging opisyal ng ahensya simula noong 2014.

Maliban sa posibleng kasong administratibo, iniimbestigahan din ng Ombudsman ang mga dawit na opisyal sa posibleng pananagutang kriminal dahil sa pagpapalaya sa may 2,000 convicts sa ilalim ng GCTA.

Una nang iniutos ni Martires ang 6 na buwang preventive suspension without pay laban sa 30 BuCor officals dahil sa anomalya sa GCTA law habang pinagpapaliwag din nito sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Sen Leila de Lima kug bakit hindi kasama sa kanilang inaprubahang Implementing Rules and Regulation(IRR) sa GCTA ang heinous crime.

 

158

Related posts

Leave a Comment