DENR KAKASUHAN SA DOLOMITE PROJECT

MAGSASAMPA na ng kaso sa korte si Deputy Speaker Lito Atienza kapag itinuloy pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay.

Ito ang kinumpirma ni Atienza matapos muling anurin ang dolomite na itinambak ng DENR sa Manila Bay project ng mga ito nang manalasa ang habagat na nagdulot ng ilang araw na pag-ulan sa Metro Manila.

“Pag pinilit pa yan we go to court,” ani Atienza subalit hindi nito sinabi kung saan korte ito maghahain ng asunto at kung anong kaso ang ihahain sa DENR na pinamumunuan ni Secretary Roy Cimatu.

Ayon kay Atienza, sinasayang lang ng ahensya ang pera ng bayan sa nasabing proyekto na ayon sa kanya ay umaabot na umano sa halos kalahating bilyon ang pondong naubos.

Unang tinambakan ng dolomite ang maliit na bahagi ng Manila Bay noong nakaraang taon at binuksan ito sa publiko noong Setyembre 2020 subalit dalawang buwan matapos ito ay nanalasa ang bagyong Ulysses.

Dahil dito, natabunan ng basura ang dolomite project at naubos ang white sand na inangkat pa ng ahensya sa Cebu.

Gayumpaman, muling tinambakan ng DENR ng dolomite ang nasabing bahagi ng Manila Bay noong Abril 2021 subalit muli itong inanod dahil sa mga pag-ulan.Labis itong ikinagalit ni Atienza na tinawag na “Biggest Nonsense project” ito ng gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

39

Related posts

Leave a Comment