(NI CHRISTIAN DALE)
NAKA-ALERTO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibilidad ng forest fires sa gitna ng El Niño phenomenon sa bansa.
Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na ipinag-utos na niya sa 16 na executive director ng DENR Regional Offices na magsagawa ng malawakang pagsusuri sa mga gubat upang maiwasan ang wild fires at grass fires.
Bukod dito, pinatututukan rin ni Cimatu ang kabundukan at ang ilang mga lugar na sumailalim sa rehabilitasyon ng enhanced national greening program.
Magugunitang, bumili ang DENR ng forest fighting equipment gaya ng fuelled power grass cutter, fire pump, at iba pa noong 2018.
342