DEPED, DPWH PINAKIKILOS SA NAWASAK NA CLASSROOMS

deped25

(NI NOEL ABUEL)

IPINAMAMADALI ni Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga nasirang eskuwelahan at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Tisoy.

Maliban sa nasabing mga ahensya kasama rin sa pinakikilos ni Senador Go ang Department of Energy (DOE) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan pamilya sa Bicol region, partikular sa Albay at Sorsogon.

Ayon kay Go, inatasan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga opisyales ng mga nasabing ahensya upang agad na ipatupad ang utos nito.

Sinabi ni Go na maliban sa tulong ay naibibigay ang uniform at school supplies ng mga estudyanteng biktima ng bagyo.

“May dala po akong konting grocery items at ako na rin po ang bibili ng uniporme ng mga bata para makapabalik agad sila sa kanilang pag-aaral,” ayon sa senador.

Tiniyak din nito na sasagutin din ang pagpapaopera ng mga biktima ng bagyo kung kailangang dalhin ang mga ito sa Metro Manila.

Una nang tiniyak ni Go na mayroong programa ang National Housing Authority na pagtulong sa mga napinsalang bahay ng mga biktima para agad na makabangon ang mga ito.

 

203

Related posts

Leave a Comment