DEPED NABABAHALA SA TEEN PREGNANCY NG STUDENTS

deped65

(NI MAC CABREROS)

BAGAMA’T tumataas ang participation rate at bumababa ang dropout rate, nabahala ang Department of Education (DepEd) sa maagang pagbubuntis ng mga estudyante.

Sa panayam ng media, sinabi Education Secretary Leonor Magtolis Briones, na problema sa pamilya at maagang pakagmulat sa environment ng makabagong teknolohiya ang ilan sa natukoy nilang ugat ng teenage pregnancy sa mga estudyante.

Aniya, ito (problema sa pamilya at teenage pregnancy) ang una sa dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga istudyante kasunod ang kakulangan o kawalan ng interes na mag-aral habang pumapangatlong dahilan ang kahirapan.

“Now, poverty is not the main reason for a child to stop schooling,” sabi ni Briones at binanggit na dati ay una ang kahirapan ang dahilan ng dropout. “It is because the economy has improved,” dugtong nito.
Sinabi pa Briones na tumataas ang participation rate dahil bumabalik sa pag-aaral ang mga nagdrop out nang ipatupad ang Kto12 program.

Sa datos ng DepEd, umakyat sa 370,000 ang bilang ng mga mag-aaral noong 2016 mula sa 158,000 noong 2015.
Base naman sa National Demographic and Health Survey ng Department of Health noong 2017, siyam na porsyento ng edad 15-19 ang nagdadalantao. Hindi ito nalalayo sa NDHS ng Philippine Statistics Authority.

203

Related posts

Leave a Comment