DEPED, PINABABALANGKAS NG ABOT KAYANG TUITION PAYMENT SCHEME

HINIKAYAT ni Senate President Tito Sotto ang Department of Education (DepEd) na bumalangkas ng tuition payment scheme upang matulungan ang mga magulang sa kanilang pinansyal na pangangailangan.

Sinabi ni Sotto na sa gitna ng pinaiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, maraming magulang ang labis na naapektuhan ang mga trabaho o negosyo.

Iginiit ng senador na dapat magkaroon ng flexible payment terms sa mga paaralan upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.

Dapat anyang magkaroon ng iba’t ibang scheme sa mga pribadong paaralan na kakayanin din ng mga magulang.

Iginiit ni Sotto na dapat mabigyan ng sapat na panahon at oportunidad ang mga magulang upang makapag-ipon para sa gastusin ng mga estudyante.

“Makatutulong nang husto kung pahahabain ng mga paaralan ang panahon ng pagbabayad ng mga school fees upang magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga magulang para magawan ng paraan ang kanilang ipambabayad para sa pag-aaral ng kanilang mga anak,” diin ni Sotto. (DANG SAMSON-GARCIA)

67

Related posts

Leave a Comment