(NI ROSE PULGAR)
NAGPADALA na ng contingency team ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansang Libya upang saklolohan ang mga Pinoy doon na naipit sa giyera makaraang itaas sa alert level 3 ng Embahada ng Pilipinas ang kaguluhan sa Tripoli.
Ayon sa DFA, dalawang team ang kanilang ipinadala sa Libya at ang una ay pinangunahan ni Executive Director Enrico Co, ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) na dumating noong Sabado sa Libya.
Ang ikalawang team ay pinangunahan naman ni Director Irish Arivas, na dumating naman Lunes ng hapon.
Nabatid pa sa DFA na sa ngayon umano ay may 19 na request na ang natanggap ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli para sa repatriation ng Pinoy workers.
124