DFA, PDU30 ‘LAST SAY’ SA UGNAYAN SA ICELAND

dfadu30

(NI BETH JULIAN)

ANG Department of Foreign Affairs at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya kung pananatilihin ang ugnayan nito sa Iceland o alinmang bansa.

Ito ang binigyan diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaugnay sa resolusyon ng 18 bansa sa pangunguna ng Iceland na kumukuwestyon sa mga patayan sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ito ay kasunod na rin ng panukalang pinalutang ng isang senadora at sa umano’y konsiderasyon sa posisyon din ng DFA sa pakikipag ugnayan sa Iceland kasunod ng usapin.

Sa personal na opinyon ni Panelo, kung gumagawa ang isang bansa ng deklarasyon na labag sa kasarinlan, at panloob na paraan ng mga Pilipinas laban sa droga ay tama lamang na irekonsidera ang pagputol ng ugnayan nito.

Gayunman lahat ng bagay na makaaapekto sa interes ng Pilipinas ay ikinokonsidera pa rin ng gobyerno sa anumang posisyong gagawin.

Kabilang na dito  ang epekto sa mga overseas Filipino workers at ang ugnayan sa kalakalan.

Ang nasabing posisyon din ang sagot ni Panelo na katarungan para sa 17 pang mga bansa na sumuporta naman sa inilatag na resolusyon ng Iceland sa UNHRC.

 

132

Related posts

Leave a Comment