(NI ROSE PULGAR)
INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs na sarado ang lahat ng kanilang mga opisina sa buong bansa sa darating na Lunes ( Mayo 13) sa araw ng halalan 2019.
Sa pahayag ng DFA, inaabisuhan nito na sarado ang kanilang opisina sa Aseana Business Park at lahat ng DFA Consular Offices sa araw ng eleksyon.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 719, na inilabas noong Mayo 9, ng Executive Secretary, na nagdedeklara sa Mayo 13 bilang isang special non-working holiday sa buong kapuluan dahil sa midterm elections.
Ayon sa DFA, ang mga aplikante na may confirmed passport appointments sa Mayo 13 ay maaaring maserbisyuhan mula Mayo 14 hanggang 31, nang taong kasalukuyan maliban lamang sa Sabado.
Dalhin lamang ng mga aplikante ang printout o kopya ng confirmed passport appointments, kasama ang iba pang requirements para sa passport application.
169