‘Di inalam ng PNP, uuriratin ng Kamara BULTONG SHABU NI MAYO SAAN GALING?

(BERNARD TAGUINOD)

TUTUMBUKIN ng imbestigasyon ng Kamara ngayong araw ang pinagmulan ng isang toneladang shabu na nakumpiska kay dating Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Naobserbahan ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na mistulang iniiwasan umano ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahan kung saan galing ang droga ng sinibak na si Mayo.

“Sa ngayon, naka-focus ang police at publiko sa 42 kilos na pinuslit ng dalawang ahente ng PNP-DEG SOU Region 4A na balak nilang i-recycle. Pero dapat din bigyang diin saan nanggaling yung 990 kilos na shabu na ire-recycle din,” ani Barbers.

Gayunpaman, hindi umano inaalam ng PNP kung paano nakapag-imbak si Mayo ng isang toneladang shabu kung isasama ang 42 kilos na kinupit ng dalawang ahente ng Drug Enforcement Group ng PNP.

Mahalaga aniyang kalkalin ang anggulong ito para mapanagot ang mga kasabwat ni Mayo at maiwasan na mangyari itong muli.

“The most significant information to attain this objective is to determine the source or sources of the recycled drugs, how were they obtained, and who are the illegal participants in this illegal activity,” dagdag pa ni Barbers.

Wala rin umanong impormasyon na kinasuhan na ang mga pulis na sangkot sa tangkang double cover-up at double recycling dahil sa ngayon ay tanging si Mayo ang nasampahan ng kaso.

“As far as we know, only dismissed P/MSgt. Rodolfo Mayo Jr. had been charged in court. We have not heard or seen any details of his administrative and criminal cases. What about the other officers who we believe participated in the alleged double cover-up and double recycling attempts in said incident,” pahayag pa ng mambabatas.

Samantala, ipinatawag ng komite si Mayo at ang 49 police officials/officers na nakunan ng CCTV sa raid na isinagawa sa bahay ng huli sa A. Bonifacio St., Tondo, Manila noong October 8, 2022.

Kabilang sa pinahaharap sa imbestigasyon ng komite sina Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., dating PDEG Director Brig. Gen. Narciso Domingo; Col. Julian Olonan, hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit (SOU) Region 4A; Capt. Jonathan Sosongco, lider ng PDEG SOU 4A arresting team; Lt. Col. Arnulfo Ibañez, OIC ng PDEG SOU National Capital Region (NCR); Maj. Michael Angelo Salmingo, deputy ng PDEG SOU NCR; Lt. Col. Glenn Gonzales ng Quezon City Police District; Lt. Ashrap Amerol, intelligence officer ng PDEG Intelligence and Foreign Liaison Division; Lt. Col. Harry Lorenzo, Commander ng Manila Police District Moriones Station; Captain Randolph Piñon, hepe PDEG SOU 4A Intelligence Section.

Inaasahan ding haharap sa imbestigasyon sina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Justice Secretary Crispin Remulla, PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Ret. P/Gen. Virgilio Lazo, hepe ng PDEG; dating PDEA chief Wilkins Villanueva, dating PDEA NCR Director Alvin Alvarin, Bienvenido Rubio ng Bureau of Customs (BOC), Admiral Artemio Abu ng Philippine Coast Guard at NBI Director Medardo De Lemos.

184

Related posts

Leave a Comment