‘DI KAYA ANG LAMIG; DU30 AYAW BUMIYAHE SA US

duterte2

(NI BETH JULIAN)

SA kabila ng dalawang araw na pagbisita ni US Secretary of State Michael Pompeo sa bansa, wala pa rin nakikitang indikasyon kung pauunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal nang imbitasyon na bumisita ito sa Amerika.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Presidential spokesperon Atty. Salvador Panelo na ayaw pa ring makompromiso ng Pangulo sa matagal nang imbitasyon na bumisita ito sa Amerika.

Ayon kay Panelo, nananatiling tahimik ang Pangulo at wala pang nakikitang sensyales kung ano ang posisyon sa makailang ulit nang pangungulit ni US President Donald Trump na pumunta at bumisita naman ito sa Amerika.

Sinabi ni Panelo na ayaw ng Pangulo ang matagalang byahe bukod pa sa pag amin nito na hindi kaya ang maginaw na klima duon.

Una nang inimbitahan ni Trump si Duterte nang makapag usap sila sa telepono noong May 2017 na magtungo sa Amerika at naulit pa ang imbitasyon noong Hulyo 2018 sa pamamagitan ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na nagsabing patuloy nilang inaayos ang posibleng Washington visit ng Punong Ehekutibo.

350

Related posts

Leave a Comment