‘DI LAHAT NG ONLINE SELLERS BUBUWISAN – MALAKANYANG

NILINAW ng Malakanyang na hindi lahat ng online sellers ay sakop ng bagong patakaran ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ukol sa pagrerehistro at pagbubuwis.

May ipinalabas kasing bagong memorandum ang BIR kung saan inaatasan nito ang mga nasa e-commerce na magrehistro sa kanila hanggang Hulyo 30.

“All those who will register their business activity and/or update their registration status not later than July 31, 2020 shall not be imposed with penalty for late registration,” ang nakasaad sa memo ng BIR.

Bukod dito, hinimok din ng BIR na ideklara ng mga ito ang kanilang mga naging transaksiyon para mabuwisan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kasama rito ang online business na kumikita ng P250,000 pababa sa loob ng isang taon.

“If your online business’ net income does not exceed P250,000 eh wala po talaga kayong ibabayad,” ayon kay Sec. Roque.

Nito lamang lockdown ay tumaas ang bilang ng online selling dahil maraming Filipino ang nakatengga sa bahay. CHRISTIAN DALE

103

Related posts

Leave a Comment