‘DI NAGAMIT NA ENERHIYA SA ECQ ‘WAG SINGILIN SA CONSUMERS

0

KINALAMPAG ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at power generating companies (GenCos) na palambutin ang ilang probisyon sa Power Supply Agreement (PSAs) upang hindi magbayad ang consumer sa hindi nagamit na reserbang kuryente dahil bumagsak ang pangangailangan sa enerhiya sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pahayag, pinangangambahan ni Gatchalian na pagbabayarin ang mga Pinoy consumer sa enerhiya na hindi nakonsumo kung hindi palalambutin ng ERC at GenCos ang probisyon sa PSAs na inaatasan ang mga distribution utilities (DUs) na bumili ng minimum amount ng elektrisidad.

Iginiit ng mambabatas na mapipilitan ang DUs na bayaran ang katumbas na halaga ng elektrisidad mula sa GEnCos dahil mababa ang pangangailangan. Aniya, mapipilitan din ang consumers na pasanin ang pagbabayad nito kahit hindi nila nakokonsumo.

“The demand for electricity plunged by 30%. And while there has been an increase in residential demand, most of the economic activities have slowed down as well as other activities in the energy sector,” ayon sa senador.

Dahil dito, umapela si Gatchalian sa ERC at GenCos na huwag ipapasan sa consumer ang bayarin sa kritikal na panahon. ESTONG REYES

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment