‘DI PAG-RENEW SA PRANGKISA NG ABS-CBN, TAMA LANG – REP. MARCOLETA

NANINIWALA si House Deputy Speaker at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na hindi dapat i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dahil na rin sa mga paglabag nito.

Sa joint hearing ng House committee on legislative franchises at House committee on good government and accountability, sinabi ni Marcoleta na may dahilan para hindi na i-renew ang 25 taong prangkisa ng giant TV network kung titignan ang “flagrant violations” nito.

Sa kanyang halos kalahating oras na opening statement sa naganap na hearing ay inisa-isa ni Marcoleta ang mga paglabag ng TV network kabilang na ang constitutional 50-year limit ng legislative franchises, foreign ownership restrictions, unfair labor practices, political bias at tax evasion cases.

“ABS-CBN deliberately and with impunity violated the conditions of its previous legislative franchise, more so our laws and the Constitution. The House of Representatives should endeavor not to grant the franchise application of ABS-CBN because it has deliberately flouted the Constitution and other related laws, and even the terms and conditions of its previous franchise to suit its own business and political interests, but for the prejudice of the greater good,” paliwanag ng mambabatas.

Giit ni Marcoleta na ang pagbibigay ng legislative franchise ay isang pribelehiyo at hindi isang karapatan kaya naman may kapangyarihan ang Kongreso na ibigay ito sa karapat-dapat.

“Congress has the exclusive constitutional authority to award, alter or renew this privilege when the common good so requires, as in this particular case of ABS-CBN. We believe that it is but right for the House of Representatives to deny this time the franchise of ABS-CBN for flagrantly violating the Constitution and related laws, and even its own franchise, making it unworthy of the grant of this special privilege by the state,” pagtatapos pa ni Marcoleta. ABBY MENDOZA

219

Related posts

Leave a Comment