DICT MULING KINALAMPAG VS TEXT SCAMMERS

MULING kinalampag ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tugisin at parusahan ang lahat ng text scammers na nambibiktima ng consumer sa gitna ng pandemya habang papalapit ang Kapaskuhan.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat patunayan ng pamahalaan na mas magaling at mas mabilis ang ahensiya kaysa sa naglipanang text scammers.

“Walang oras na dapat masayang ang mga ahensya upang mahuli ang mga manloloko at masawata ang kanilang iligal na gawain,” giit ni Poe.

Aniya, umaasa siyang mas paiigtingin pa ng telcos at negosyo ang pag-iingat at pangangalaga sa kapakanan ng consumer laban sa pamemerwisyo ng text scammers.

“Hindi kailangan ang pasaning dulot ng mga scam na ito ay lalong nagpapalubog sa kalagayan ng ating mga kababayang nakahandusay pa sa gitna ng pandemya.” ayon kay Poe.
(ESTONG REYES)

2

Related posts

Leave a Comment