DICT pinagpapaliwanag ng Palasyo CHECKPOINTS KULANG SA THERMAL SCANNER

HIHINGAN ng paliwanag ng Malakanyang ang Department of Informations and Communications Technology (DICT) kung bakit walang ginagamit na thermal scanner ang ilang COVID-19 checkpoints sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry roque, maging siya ay personal din na napansin ang kakulangan ng scanner sa mga dinadaanan niyang checkpoints kapag nagtutungo sa palasyo ng Malakanyang para sa kanyang media briefing.

Ayon kay Sec. Roque, madalas kapag naipakita niya na ang kanyang ID at rapid pass, agad na siyang pinalulusot sa mga checkpoint kahit hindi pa nai-scan ang kanyang body temperature.

Dahil dito, tatanungin aniya ang DICT kung mayroon bang problema sa pagpo-provide ng sapat na bilang ng mga scanner para sa mga inilatag na checkpoint kontra COVID-19. CHRISTIAN DALE

211

Related posts

Leave a Comment