PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang tinitingnan bilang bahagi ng “comprehensive strategy” para tapyasan ang presyo ng bigas at tugunan ang potensiyal na kakapusan dahil sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon.
“As discussions are underway, the Department of Finance maintains its support for an appropriate policy response that promotes the greatest good for the greatest number of Filipinos,” ayon kay Diokno sa isang kalatas.
“Rest assured that the DOF, in coordination with other relevant government agencies and stakeholders, shall pursue programs and support measures to balance the interests of domestic rice farmers while keeping rice affordable for consumers — especially the poorest households,” dagdag na wika nito.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ito’y nasa Singapore na hindi dapat na patuloy na nakasandal ang Pilipinas sa importasyon.
Nauna nang binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang plano ng administrasyong Marcos Jr., na bawasan ng taripa ang aangkatin nilang bigas.
Sa pagtaya ng KMP, hindi bababa sa labing dalawang bilyong piso ang maisusubi ng rice importers kapag itinuloy ang panukala.
(CHRISTIAN DALE)
165