DIOKNO BUKING SA BILYONES NA PORK BARREL

diokno

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL magiging pork barrel lamang umano ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang savings noong 2018, nagbanta ang liderato ng Kamara na walang ilalabas na bicam report para sa 2019 national budget.

“No DBM report on 2018 savings, no bicam report for 2019 budget,” ani House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., Linggo ng hapon dahil hanggang ngayon ay binabalewala umano ni Diokno ang kanilang request na magsumite ng report kung magkano ang pondong hindi nito ini-release noong nakaraang taon.

Ayon kay Andaya, pinalawig ang buhay ng 2018 national budget ng hanggang Disyembre 2019 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 28, 2018 ang ipinasa ng Kamara at Senado na Joint Resolution No,3.

Hindi sinabi ni Andaya kung magkano ang pondong hindi pinakawalan ni Diokno noong 2018 subalit tantiya ng mambabatas ang bilyong-bilyon ito kaya nararapat lamang na magsumite ang Kalihim ng report kung saan ito gagamitin ngayong 2019.

“You want to look for pork? This is the multi-billion-peso DBM pork that Sec. Diokno has kept secret from Congress and from the public. Tanging si Sec. Diokno ang nakakaalam kung paano ito nagastos noong 2018 at kung paano ito gagastusin sa 2019,” ani Andaya.

Maging ang hinihinging report aniya ng Kongreso sa hinggil sa savings noong 2017 ay hindi pa rin umano ibinibigay ni Diokno kaya nagdududa si Andaya na nagamit ito sa mga pet projects ng kalihim.

“Secretary  Diokno may have evaded scrutiny of DBM pork in the 2018 budget deliberations. Not this time. No DBM report on 2018 savings, no bicam report for 2019 budget,” ayon pa kay Andaya.

Unang sinabi ni Andaya noong nakaraang linggo na may P50 Billion na naipon ni Diokno hanggang noong Disyembre 2018 na mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na hindi ginagamit at inaamag lang sa kanyang tanggapan.

“We need that report in order to pass the 2019 budget. We need a clear picture of our spending authority. Congress authorized the extension of the 2018 appropriations. We demand to see the balances,”ayon pa kay Andaya.

 

 

6

Related posts

Leave a Comment