DIOKNO ‘DI PABOR SA POLITIKO BILANG DBM SEC   

DIOK200

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

DAPAT ay hindi politiko o dating politiko ang maging kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).

Ito ang nais ni newly installed Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, kaugnay sa isyu ng iluluklok sa iniwanan niyang puwesto.

Gayunman, pagkatapos ang kanyang pahayag ay mahigpit naman ang pagtanggi nitong ipaliwanag ang kanyang mungkahi.

Matatandaan na nauna nang lumutang ang bali-balitang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni Diokno sa DBM si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Nilinaw ni Diokno na wala pa naman itong kumpirmasyon at nananatiling haka haka pa lamang.

Kampante naman si Diokno na kahit wala na sya sa DBM at nailipat na sa ibang institusyon ay maipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulan niyang reporma gaya ng cash based budgeting system at maayos na proseso ng procurement.

Sa huling pagkakataon ay dumalo si Diokno Miyerkoles ng umaga sa lingguhang press briefing sa DBM kung saan ipinakilala nito si USec. Janet Abuel na magsisilbing officer in charge ng departamento.

Sa panig naman ni Abuel, ipinangako nitong sisikapin niyang patakbuhin nang maayos ang DBM.

 

125

Related posts

Leave a Comment