(NI BERNARD TAGUINOD)
UMIIWAS mapusoy si Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kaya imbes na humarap sa imbestigasyon sa flood control project scam ay nagtatago ito sa ‘Executive privilege”.
Ito ang pananaw ni House majority leader Rolando Andaya, dahil sa patuloy na pagtanggi ni Diokno na humarap sa imbestigasyon dahil sa payo umano ng Executie Department.
“Secretary Diokno is ill-advised to invoke executive privilege to avoid confronting the evidence piling up against him. Maybe, it should be the right against self-incrimination that he should invoke,” ani Andaya.
Maliban dito, hindi maaaring gamitin ni Diokno ang Executive privilege, dahil ginagait lamang umano ito sa “residential conversations, correspondences, and discussions in closed-door Cabinet meetings; information on military and diplomatic secrets and those affecting national security; and information on investigations of crimes by law enforcement agencies before the prosecution of the accused”.
Hindi rin tanggap ni Andaya na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito haharap sa imbestigasyon ng Kamara ay dahil sa kanyang karanasan sa Question Hour kung saan hindi maganda ang naging trato diumano sa kanya ng mga mambabatas.
“Bad experience is never a valid legal reason to snub the House inquiry on the flood control scam,” ayon sa kongresista.
131