DIREK JOYCE BABAYARAN SA SERBISYO SA SONA

bb joyce22

(NI BETH JULIAN)

HANDA ang Presidential Communications Operations Office na bayaran ang serbisyo ni Director Joyce Bernal sa gagawin nitong pagdidirek sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na naniniwala siyang dapat lamang na mabigyan ng professional fee si Bernal dahil sa kalibre nito.

Gayunpaman, sinabi ni Andanar na ipinauubaya na niya sa Radio Television Malacanang ang pakikipag-usap kay Bernal hinggil dito.

Sinabi ni Andanar na hawak naman ng RTVM ang pangangasiwa sa technical na aspeto at production ng SONA ng Pangulo.

Ang RTVM din ang tatayong kinatawan ng Palasyo para makipagpulong kay Bernal sa lahat ng kailangan para sa SONA.

Matatandaan na si Bernal din ang direktor sa SONA ng Pangulo noong nakalipas na taon pero hindi ito tumanggap ng anumang bayad.

Para sa taong ito, asahan ang ilang strategies na ipatutupad ni Bernal sa pag-eere sa SONA ng  Pangulo sa harap na rin ng mga bagong ilaw, LED screen at iba pang gamit sa House of Representatives.

 

 

 

105

Related posts

Leave a Comment