DISKUWENTO SA SLEX TOLL PINAG-AARALAN

(NI ROSE PULGAR)

MASUSI pa rin pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) kung magkano ang diskuwento na kanilang ipatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Raymindo Junia, Private Sector Representative ng TRB, magpupulong pa sa mga susunod na araw, ang Technical Working Group (TWG) para maresolba ang isyu.

Kapag napagkasunduan na ng TWG kung magkano ang diskuwento, saka pa lamang nila iaakyat sa board kung magkano ang napagkasunduan saka pa lamang ito maaaprubahan.

Sinabi pa ni Junia, sa oras na mareresolba ang usapin ay inaasahan nila sa susunod na linggo ay may ilalabas nang report.

Pahayag pa ng opisyal, bago sumapit ang Kapaskuhan ay maipapatupad na ang ibibigay nilang diskuwento.

Hindi naman binanggit ni Junia , kung hanggang magkano ang ibibigay na pagbaba o pagbawas ng toll gate.

Sa naunang report na nasa P40 hanggang P44 ang ipapatupad na diskuwento sa slex.

 

120

Related posts

Leave a Comment