KUMPIRMADONG Pinoy ang isa sa dalwang suicide bomber sa Sulu matapos lumabas ang resulta ng DNA test nito mula sa Crime Laboratory sa pangunguna ni Regional Crime Laboratory Office-11 (RCLO11) Police Major Florepes Pallado
Sinalakay ang kampo ng militar ng 1st Brigade Combat Team temporary headquarters sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu noong June 22 na ikinasawi ng walo katao habang nasa 22 pa ang nasugatan.
Positibo umanong nag-match ang nakuhang human flesh sample mula sa unang bomber at swab sample mula naman sa nagpakilalang nanay na si Vilman Alam Lasuca na kumuha sa ulo ng kanyang anak na nakilalalang si Norman Lasuca.
“There is 99.99% percentage probability match on the DNA sample taken from Vilman Lasuca and samples of the alleged suicide bomber, Hence, it can be concluded that one of the alleged suicide bombers is the son of Vilman Alam Lasuca,” pahayag ni Pallado.
Bagama’t tukoy na Pinoy ang unang bomber, hindi pa rin nalalaman ang pagkakakilanlan ng ikalawang bomber na sinasabing anak ng Moroccan bomber na sangkot din sa pagpapasabog sa Lamitan, Basilan noong 2017.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng pulisya kung sino ang nag detonate ng bomba mula sa katawan ng dalawang bombers kaya naman hindi pa ikinukunsiderang suicide bombers ang mga ito.
222