DND ‘DI NATINAG SA CHINESE MILITIA SA PAGASA ISLAND

pagasa8

(NI JESSE KABEL)

HINDI nagpatinag si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ulat na nag deploy ang China ng mga Chinese militia bilang tugon sa gagawing  pagkukumpuni sa sira sirang runway sa Pag-asa island .

Ayon kay Sec. Lorenzana mandato ng ng pamahalaan sa ilalim ng Saligang Batas na ayusin ang kaligtasan, ang kapakanan, kabuhayan at seguridad ng mga Filipino na naninirahan sa munisipalidad ng Kalayaan , isang hiwalay na bayan ng lalawigan ng Palawan.

Nilinaw pa ng kalihim na ang Kalayaan ay bahagi ng soberenya ng Pilipinas simula pa nuong 1978 sa bisa ng Presidential Decree No. 1596 at ng mga umiiral na  international laws.

Sinasabing hindi  kailangan magpaliwanag sa kahit anong bansa dahil bukas at lantaran ang mga  ginagawang pahayag ng  Department of National Defense na maisakatuparan ang mithiin ng gobyerno na mapaganda ang  living conditions ng mga naninirahan sa isla maging sibilyan man o mga sundalo na nakatalaga sa Barangay Pag-asa.

Kasunod ng ulat na inilabas ng Washington think tank na  Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na nagsabing nagsasagawa na rin ngayon ng kanyang reclamation ang Pilipinas sa Pag-asa island ay nagpahayag ng kanilang protesta ang China .

260

Related posts

Leave a Comment