(NI ABBY MENDOZA)
BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng konsyumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon.
Dahil dito, nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Secretary Cusi na huwag nang magpatumpik-tumpik at ipatupad ang implementasyon ng nasabing direktiba ng Pangulo at ipahinto na ang paggamit ng carbon.
“Despite the President’s positive remarks on RE, Sec. Cusi is showing his bias for coal by continuing to support the construction of new coal-fired power plants in the pipeline. Until now, no concrete action has been put in place by the DOE to pursue this shift,” ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P at spokesperson ng consumer group Murang Kuryente.
Muling iginiit ng grupo na i-formalize na ang direktiba ng Pangulong Duterte ukol sa RE at carbon sa pamamagitan ng Executive Order.
Binigyang diin naman ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) National Coordinator Ian Rivera na ang DOE sa ilalim ni Cusi ay nagsilbing ‘instrumental’ para sa pagsusulong ng coal projects sa bansa na idineklara bilang ‘Energy Projects of National Significance.
169