DoE SA POWER PLANT OPERATORS: MAGPALIWANAG KAYO!

luzon grid12

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa sunud-sunod na pagnipis ng power supply at paglalagay sa red at yellow alert sa mga power plant ay pinagpapaliwanag na ng Department of Energy (DoE) ang mga operators ng planta ng kuryente sa Luzon.

Ayon kay Wimpy Fuentebella, tagapagsalita ng DoE, binigyan na nila ng show cause order ang Sual Unit 1 sa Pangasinan; SLPGC Unit 2 at SLTEC Unit 1 sa Batangas; at Pagbilao Unit 3 sa Quezon matapos mabatid na nagkaroon ng ‘unplanned shutdown’ sa mga ito.

Kasama rin dito ang Calaca Unit 2 sa Batangas dahil tinitipid umano nito ang kanilang 200-megawatt capacity.

“We want to clarify what’s happening with them. Ano yung mga pieces of evidence, videos, pictures because I’m really trying to collate the information,” ani Fuentebella.

Matatandan na nitong nakaraang linggo ay muling isinailalim sa ikatlong sunod na araw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa red at yellow alert  dahil umano sa manipis pa ring reserba ng kuryente.

167

Related posts

Leave a Comment