(NI DAHLIA S. ANIN)
HINDI mamadaliin ng Department of Health (DoH) ang pagre-review sa posibleng muling paggamit ng dengvaxia vaccine kahit pa nagdeklara na ng national epidemic ang ahensya dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Matatandaan na ipinatigil ng kagawaran ang pagbibigay ng dengvaxia vaccine sa mga estudyante bago matapos ang 2017, matapos magpahayag ang Sanofi, na siyang manufacturer ng nasabing vaccine na maaaring magkaroon ng mas malalang sintomas sa mga pasyente ang bakuna kung ang naturukan nito ay hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Noong nakaraang buwan lang ay umaapela ang French firm na bawiin ang certificate ng product registration ng dengvaxia.
“Kailangan natin ng complete documentation saka final result ng mga study para masuri natin tlaga bago natin gamitin ulit. Hindi po siya minamadali,” ayon kay Health Undersecretary and spokeperson Eric Domingo.
“We should not connect this to the current dengue outbreak dahil hindi naman po siya magiging sagot sa outbreak na ito,” ayon pa kay Domingo.
Karamihan sa mga may dengue ngayon ay nasa edad 5-9, habang ang dengvaxia ay ibinibigay sa mga bata na may edad na 10-16 anyos sa ibang bansa pagdidiin ni Domingo.
Ayon pa sa kanya, ang bakuna ay dapat na ibinibigay lamang sa nga nagka-dengue na.
Kailangan pa umanong magbigay ng Sanofi ng kanilang 60 month follow up study sa pagiging epektibo ng dengvaxia.
Hindi sumang-ayon ang ilan sa dengvaxia matapos na maiugnay ito sa pagkamatay ng ilang bata na naturukan ng nasabing bakuna.
Ilang reports ang lumitaw noon na nagsasangkot sa dengvaxia sa pagkamatay ng ilang bata na gumawa ng vaccine scare, na siyang nagpababa sa immunization coverage ng bansa sa 40% mula sa 70% noong mga nakaraang taon.
Nakapagtala na ang DoH ng 146,062 kaso ng dengue sa buong bansa at 622 deaths na mas mataas ng doble sa naman ang naiulat 73,818 noong nakaraang taon.
114