PINAKAKASUHAN ng graft ng Department of Justice (DOJ) si dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde kaugnay ng umano’y recycling ng 200 kilong shabu sa Pampanga raid noong 2013.
Mahaharap naman ang labindalawang pulis at PNP personnel sa kasong misappropriation/misapplication of seized drugs, planting of evidence, delay in prosecution of drug charges, qualified bribery, at graft.
Inirekomenda ng DOJ na kasuhan si Albayalde dahil sa ‘pag-impluwensya’ umano nito sa ibang opisyal upang hindi maipatupad ang parusa laban sa kanyang mga dating tauhan.
Labindalawa lamang sa labing apat na respondents na tinaguriang ‘ninja cops’ ang nakitaan ng probable cause at ang mga ito ay sina Police Supt. Rodney Baloyo IV, Insp. Joven Bagnot de Guzman Jr., SPO1 Jules Lacap Maniago, SPOI Donald Castro Roque, SPO1 Ronald Bayas Santos, SPO1 Rommel Muñoz Vital, SPO1 Alcindor Mangiduyos Tinio, PO3 Dindo Singian Dizon, PO3 Gilbert Angeles de Vera, PO3 Romeo Encarnacio Guerrero Jr., SPO1 Eligio Dayos Valeroso at SPO1 Dante Mercado Dizon.
Ibinasura naman ang kaso laban sa dalawa pang pulis dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensya.
Magugunitang inakusahan ang mga nabanggit na pulis na kumita umano ng P648-milyon mula sa 160 kilong shabu na kanilang kinuha mula sa ni-raid na bahay ng pinaghihinalaang Chinese drug lord na si Johnson Lee. SAKSI NGAYON NEWS TEAM
373