DOLE, OWWA, DOH binigyan ng 1-week ultimatum PDU30: OFWs SA QUARANTINE FACILITIES, PAUWIIN NA

BINIGYAN lamang ng isang linggong palugit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration at Department of Health na payagan na ang 24,000 overseas Filipino workers na makauwi sa kani-kanilang bahay makaraan ang ilang linggong pananatili sa Maynila.

Ang dahilan ay nakumpleto na ng mga OFW ang kanilang 14-day mandatory quarantine sa quarantine facilities sa Metro Manila matapos dumating sa bansa subalit hanggang ngayon ay hindi pinapayagan makauwi dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inatasan na ni Pangulong Duterte ang DOLE, OWWA at DOH na gamitin ang lahat ng resources upang masiguro na ang mga OFW ay makauuwi ng kanilang bahay ngayong linggo.

Ani Pangulong Duterte, matapos na magtrabaho ang OFWs sa ibang bansa ay marapat lamang na hindi maranasan ng mga ito ang paghihirap at higpit sa bansa.

Hindi katanggap-tangap sa Pangulo ang matagal na proseso na naka-quarantine na OFW,” ayon kay Sec. Roque.  CHRISTIAN DALE

68

Related posts

Leave a Comment