(NI DAHLIA S. ANIN)
NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pribadong sektor sa pantay na sweldo at benepisyo sa manggawang senior citizens at Persons With Disability (PWDs).
Ito ang pahayag ni Labor Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez matapos mag-viral sa social media sites ang larawan ng mga senior citizens na nagtatrabaho sa ilang fastfood chains at restaurant sa Maynila.
Ayon pa sa opisyal mahusay ang pag-unlad ng mga kompanya na tumatanggap ng senior citizens at PWDs ay dahil sa adbokasiya ito ng pamahalaan.
Ngunit, nais niyang ipaalala sa mga senior at PWDs na mayroon silang pantay na karapatan sa pasahod at oportunidad sa kanilang pinapasukan.
Aniya, masaya daw ang departamento sa mga report na kanilang natatanggap dahil nabibigyan ng tsansa ang mga ito sa kabila ng kanilang edad at kapansanan.
Dagdag pa ng opisyal na mayroong polisiya ang ating gobyerno na nagtatakda ng pantay na oportunidad upang makapagtrabaho anuman ang kasarian, edad, kakayahan at kapansanan tulad ng Anti-Age Discrimination Law na mahigpit na nagbabawal sa sinumang employer na i-discriminate ang isang tao para makakuha ng trabaho dahil sa kanyang edad.
301