DOLYARES NG OFWs SA BANSA MAS MALAKI KUMPARA SA BPO, POGO

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS malaki ang naipapasok na dolyares ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kaysa sa Call Center Business o ang Business Process Outsourcing (BPO) sa Pilipinas.

Ito ang isa sa mga nagtulak sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya kailangang maitatag ang Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE) o mas kilala sa OFW Department.

Ayon kay House committee on ways and means chair Joey Salceda, nakapagpapadala ng hanggang US$ 34 Billion ang OFWs sa Pilipinas na malayo sa US$32 Billion na ipinasok na pumuhan ng BPO sa Pilipinas.

Maging ang turismo sa Pilipinas na nakakapagpasok ng US$10 Billion sa bansa at Philippines Offshore Gaming Corporation (POGO) ay walang binatbat aniya sa remittance ng mga OFWS.

“OFW remittances has been for almost 30 years the principal source of forex to sustain the import needs of a growing economy,” ani Salceda kaya pagtanaw ng utang na loob sa mga ito ang itatayong departamento na nakalusot na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“OFWs account for the biggest and  most stable source of capital flows versus FDIs and ODA loans. It finances the trade deficit and make up for any shortfall in BOP,” dagdag pa ng mambabats.

Ang ipinadadalang pera rin ng OFWs aniya ang dahilan kung bakit nababawasan ang kahirapan sa Pilipinas dahil ginagamit ito ng kanilang pamilya sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Isa rin ito sa naging dahilan kaya sumigla ang real property business sa bansa dahil ibinibili nila ang kanilang kinikitang pera sa ibang bansa ng bahay o kaya condominium unit.

195

Related posts

Leave a Comment