(NI NOEL ABUEL)
INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na isumite ang hinihingi ng mga senador na listahan ng mga proyekto at traffic management plan para masolusyunan ang lumalalang trapiko sa bansa.
Ayon kay Poe, noong nakalipas na 17th Congress pa hiningi ng mga senador ang listahan subalit hanggang ngayon ay bigo ang DOTr na ibigay ito kung kaya’t walang solusyong nailabas ang Senado.
“As regards the emergency powers being filed again, it is best for the DOTr to be reminded of what the other senators were asking for last Congress, particularly the specific list of projects as well as the traffic management plan to counter the effects of numerous infra projects in relation to the worsening traffic,” sabi nito.
Sinisisi ni Poe ang DOTr dahil sa kabiguang ibigay ang listahan ng mga proyekto nito upang makagawa ng kaukulang batas na ipapaloob sana sa ibibigay na emergency powers sa Pangulo.
“We were all for passing the bill last Congress, if not for the failure of the DOTr to submit to us the list of projects that will be covered by the grant of powers. Everything must be well-defined. Hindi puwede ang blanket grant of emergency powers under the Constitution. And of course, we will also need the support of the President to rally his troops in both Houses to support the bill. If the administration wants it, they can certify it as urgent,” paliwanag ni Poe.
Idinagdag pa ni Poe na kailangan ang suporta ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para malaman kung anong solusyon ang gagamitin para mawala na ang problema sa pagsisikip ng trapiko.
297