DQ VS KAPATID NI REP. LUCY TORRES IBINASURA

COMELEC-5

(NI HARVERY PEREZ)

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec), magjng ang petition for disqualification na isinampa  laban sa kapatid ni Leyte 4th District Representative Lucy Marie Torres-Gomez na si  Carmen Jean Torres Rama.

Nabatid na si Rama ay iprinoklama na ng Comelec matapos manguna sa ginanap na  Leyte provincial board member race sa botong  62,510  sa ika-apat na distrito ng  Leyte.
Ang resolusyon sa 11-pahinang  order ng  Comelec Second Division ay ginawa noong Mayo 23 ngunit Mayo 28 lamang inilabas sa publiko.

Nabatid na una nang naghain ng petisyon sa Comelec si Donato Mendoza  Jr,  residente ng   Kananga , Leyte.
Iginiit ni Mendoza na dapat kanselahin ang Certificate of Candidacy (CoC) dahil hindi umano ito residente ng   Kananga, Leyte.

Sinabi ni Mendoza na ang address na inilagay ni Rama sa kanyang COC ay isang bahay na isinasailalim pa lamang sa konstruksiyon at nakatira umano ito sa Ormoc City kung saan nagsisilbi ang kanyang asawa na si Vincent Rama bilang konsehal.

Gayunman, hindi umano binigyan ng merito ng Comelec ang argumento ni Mendoza.

 

230

Related posts

Leave a Comment