DRILON SINISI SA ABERYA SA SEA GAMES 

(N BERNARD TAGUINOD)

SINISI ng isang mambabatas ang Senado kung bakit nagkakaroon ng aberya sa paghohost ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games dahil hindi nila ipinasa agad ang 2019 national budget.

Ginawa ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero ang pahayag matapos kuwestiyunin ni Sen. Franklin Drilon ang desisyon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na paghiwa-hiwalay ang sport gayung puwede naman itong gawin lahat sa Clark City.

Ayon sa mambabatas na bahagi ng Polo team ng Pilipinas, na-delay ng 6 na buwan ang 2019 budget kaya nadelay din aniya ang kontruksyon ng mga pasilidad kung saan idaraos ang SEA Games.

“If they had approved it and the budget was already available last January, all this mishaps might not have happened. ‘Yung delay sa construction, delay sa food, delay sa ganyan even in my Polo field. We’re hosting all the royalties of Brunei and Malaysia, ang dami rin delay because of delay din na budget,” ani Romero sa isang panayam.

Marami sa mga lugar na pagdarausan sa mga palaro ay hindi pa tapos ayusin kahit nagdatingan na ang mga atleta mula sa iba’t ibang bansa, ilang araw bago buksan ang SEA Games sa Nobyembre 30.

Magugunita na na-delay ang 2019 national budget matapos matuklasan ng Senado ang isiningit na pondo ng mga kongresista na pinamumunuan ni dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na ang mga naranasang aberya ng mga dayuhang atleta tulad ng karanasan ng football team mula Thailand, Timor-Leste ay hindi na bago dahil nangyayari din ito sa ibang bansa.

“We experienced something similar in previous SEA Games in Thailand, Indonesia. I experienced this personally in Myanmar,” ani Romero.

 

161

Related posts

Leave a Comment