DROGA SA KALSADA GALING SA NINJA COPS

NAKUMPIRMA ng House committee on dangerous drugs na ang mga kumakalat na ilegal na droga sa lansangan ay galing mismo sa mga tiwaling operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Lalong kinilabutan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nang aminin umano ng asset na humarap sa executive session na 20 taon na itong ginagawa ng tinaguriang “Ninja cops”.

“It was revealed by an asset/informant of the 2 agencies who admitted being given “basura”, street lingo for shabu, by anti-illegal drug operatives of the 2 agencies everytime they make a bust based on his tips. The amount varies from 30% of the haul up to us much as 70%,” ani Barbers.

Sinabi umano ng asset na ipinabebenta sa kanila ng mga tiwaling anti-drug operatives ang droga at kapag naging pera na ay saka sila bibigyan ng porsyento.

“The testimony of the asset confirmed what we have heard all this time. The illegal practice of giving substantial portions of the drugs seized now has a face. In due time, if evidence warrants, criminal charges will be filed,” banta ng mambabatas.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang problema sa ilegal na droga sa bansa kaya hahabulin umano ng mga ito ang mga operatiba ng PDEG at PDEA na sangkot sa ilegal na gawaing ito.

Ang nasabing komite ay nagsagawa ng motu propio investigation hinggil sa nasabing usapin nang sabihin ni PDEA Director General Virgilio Lazo na may assets na humihingi ng 30% sa huling droga bilang kanilang kabayaran.

Sinabi ni Lazo sa komite na ‘kalakaran’ na aniya ito, hindi lamang sa PDEA kundi sa PNP na labis na ikinabahala ng mga mambabatas kaya nagsagawa ang mga ito ng motu propio investigation kung saan nakumpirma ang matagal nang hinala.

“We will not stop until we have unmasked all these crooks in uniform who have doomed so many lives to live in luxury,” ayon pa kay Barbers.

Gayunman, wala pang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga operatiba na sangkot sa ilegal na gawain. (BERNARD TAGUINOD)

136

Related posts

Leave a Comment