(NI BETH JULIAN)
SISIMULAN na ang pagsasapinal na isama sa currilum ng mga mag aaral sa mga public schools ang mga aralin ukol sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sa press briefing Biyernes ng hapon sa Malacanang, sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles na inihahanda na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang mga lesson para sa anti illegal drug trafficking.
Ipatutupad ang curriculum mula kindergarten hanggang grade 12.
Ayon kay Nograles,kasama rin sa mga school activities na isusulong ng DepEd na may tema ng drug education ay ang pagpapagawa ng mga posters o slogan making contest, parenting and coaching sessions at drug assistance and rehabilitation education (DARE) program.
Sa ilalim ng DARE program ay magkakaroon ng drug uniformed officers na magtuturo o magbibigay ng lecture sa mga mag aaral sa bawat section ng paaralan ukol sa epekto ng ilegal na droga at iba pang bagay na may kaugnayan sa usapin.
Sinabi ni Nograles na gagawin ang lecture sa loob ng 17 linggo.
Ilan pa sa mga nakalinyang aktibidad para sa drug education ay ang teachers capacity program at ang paglikom ng ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Depsrtment of Health (DoH) at Dangerous Drugs Board (DDB) ng mga impormasyon na gagawing source o pagbabaseha para sa gagamiting curriculum.
193