Drug lords, gangs business as usual BITAY GAMOT SA ‘KANSER’ SA BILIBID

(BERNARD TAGUINOD)

PANAHON nang bitayin ang mga indibidwal na napatunayang guilty sa karumal-dumal na krimen partikular ang mga drug lord upang matuldukan ang problema sa National Bilibid Prison (NBP).

Ito ang paniwala ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. dahil ‘business as usual” aniya ang mga drug lord at ‘violent gangs” sa Bilibid kahit sino pang presidente at hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakaupo.

Katunayan, noong isang linggo matapos italaga si BuCor acting Director General Gregorio Catapang Jr., nakakumpiska ng 7,500 beer in can sa loob ng bilibid bukod sa armas, cellular phones, illegal drugs, cash at iba pang kontrabando.

“As long as there are criminal elements like drug lords who can access their resources beyond prison walls, they will be in a position to  bribe or threaten their jailers,” ani Abante.

Tuwing may bagong pamunuan aniya sa Bilibid ay nagsasagawa ng paglilinis subalit nananatili ang problema na mistulang cancer na dahil sa kawalan ng kalutasan kaya dapat nang bitayin ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen na siyang ugat ng problema.

“It’s an endless cycle that requires that we put an end to the individuals behind it: the convicted criminals who continue to commit crimes in the comfort of their cells,” ayon pa sa mambabatas.

Ang tanging paraan lamang aniya dito ay ibalik ang parusang kamatayan.

“The death penalty is the permanent solution for these irredeemable criminals. The sooner the death penalty reimposed, the sooner we will be able to implement reforms in our penal system,” ayon sa mambabatas.

Sa ngayon ay nakabinbin pa sa House committee on justice ang House Bill No. 4121, o Death Penalty Law na ibinasura ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Muling naging kontrobersyal ang NBP matapos ituro ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na nagmula sa nasabing piitan ang middleman na kumausap sa kanya para itumba ang veteran broadcaster na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

Ilang oras lang matapos ang pagbubunyag ni Escorial, natagpuan ding patay ang itinurong middleman na si Jun Villamor.

Dahil dito, sinibak sa pwesto si BuCor director-general Gerald Bantag at itinalaga si Catapang.

17

Related posts

Leave a Comment