Drug war victims makapagkokomento sa kaso APELA NG PINAS TINABLA NG ICC

HINDI pinagbigyan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag payagan ang mga biktima ng drug war na lumahok sa paglilitis.

Gayundin ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na magkomento sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Papayagan naman ng Appeals Chamber ang Office of Public Counsel for Victims, na gumawa ng written observations sa gobyerno ng Pilipinas tungkol sa mga interes ng mga biktima.

May kabuuang 90 aplikante ang pumirma sa apela na humihingi ng kanilang karapatang tumutol sa mga pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang pagsisiyasat ng ICC.

Ang Victims Participation and Reparations Section ay nagsisilbing ugnayan sa pagitan ng ICC at ng mga biktima ng drug war, habang ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV) ay maaaring umakto bilang legal na kinatawan ng mga biktima.

Tinanggihan din ng chamber ang kahilingan ng gobyerno na makita ang mga pagsusumite ng mga biktima ukol sa mga terminong ipinahiwatig sa kanilang apela.

Labis naman itong ikinatuwa ng mga kaanak ng mga biktima na matagal nang uhaw sa katarungan, ayon kay Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares.

“The recent decision of the ICC to allow victims and their lawyers to participate in the ICC proceedings in the communication-complaint filed for the EJKs in Pres. Rodrigo Duterte’s drug war is certainly welcome,” pahayag ni Colmenares.

Dahil hindi pinaboran ang hirit ng gobyerno, maaari na umanong magkaroon ng pagkakataon ang mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs na isalaysay nang personal sa ICC kung paano pinatay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Maaari rin umanong komprontahin si Duterte at mga top official ng Philippine National Police (PNP) na nagpatupad sa war on drugs ng dating Pangulo dahil pinapayagan ito sa ICC rules partikular na ang Article 67 (1) (e) kapag nagsimula na ang paglilitis.

“The Philippine government could always use existing ICC procedures to protect and defend the rights of ex-president Duterte and his co-accused especially since the Marcos-Duterte government has taken in an expert lawyer for the defense,” ayon kay Colmenares.

Ang tinutukoy nito ay si UK Lawyer Sarah Bafadhe na kilalang international criminal lawyer na nagtanggol sa mga akusado sa ICC tulad nina Al Islam Gaddafi ng Libya at Al Hassan Abdul Aziz ng Mali.

Hindi sinabi ng dating mambabatas kung magkano ang gastos ng gobyerno sa serbisyo ni Bafadhe.

Umaasa rin ito na tutulungan din ng Public Counsel for the Victims (OPCV) ang mga biktima at mga abogado ng mga ito sa kanilang gastusin.

“They should now face the music and submit their evidence rather than delaying the proceedings through attempts to deny the victims their opportunity to answer them during the investigation to demand accountability for their crimes,” ayon pa kay Colmenares. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

163

Related posts

Leave a Comment