(NI ROSE PULGAR)
MAGLALABAS ng panuntunan ang Department of Trade and Industry (DTI) para salain ang mga ibinebentang vape at E-cigarette para tiyakin na ligtas ang mga gamit nito.
Ayon sa DTI, maglalabas na sila ng panuntunan ukol dito at lalagyan na ng PS mark o ICC sakaling ito ay imported na kailangang dumaan sa kagawaran bago ito maibenta sa merkado.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, kailangang dumaan muna sa ahensya ang mga ibinebentang vape o e cigarette para matiyak ang kalidad ng mga piyesa nito at ligtas.
Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine- E-Cigarette Industry Association sa hakbang na ito ng DTI dahil naglipana na ang mga substandards e-cigarette.
115