DTI PINAKIKILOS SA MAHAL NA TUYO AT DILIS

0

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa Department of Trade and Industry (DTI) na kumilos patungkol sa mga ulat na tumaas na rin ang presyo ng tuyo at dilis sa mga pamilihang bayan o palengke at kakaunti na lamang ang nabibili ng mahihirap sa bawat tingi nitong nakabalot o nakapakete.

Ayon kay Poe, kailangang kumilos kaagad ang DTI matapos umanong umabot na sa P300 hanggang P400 ang bawat kilo ng tuyo sa mga palengke at ang presyo naman ng dilis ay nasa P400 hanggang P600 ang kilo.

“‘Yung mga kababayan nating mahihirap, nagtitiis na lamang sa pagbili ng tingi pero ang masakit nito, tingi na nga lang, ang mahal pa ng nabibili nilang tuyo at dilis sa bawat paketeng maliit. Halos ilang pirasong tuyo na lang at kakarampot na dilis ang laman nito,” ani Poe.

Idinagdag ni Poe na napakalaki diumano ang ipinapatong ng mga mapagsamantala sa mga itinitindang tuyo at dilis samantalang mababa naman nila itong nabibili nang wholesale sa mismong mga pamilihan o angkatan ng dried fish.

Kaugnay nito, nanawagan din si Poe sa lokal na pamahalaan na kaagad gumawa ng kaukulang aksiyon at tulungang sugpuin ang anomang pagsasamantala sa mga mamimili sa mga palengkeng kanilang nasasakupan. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment