DU30 APRUB SA DEATH PENALTY VS PLUNDERER

duterte14

(NI BETH JULIAN)

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na panukalang batas na patawan ng parusang kamatayan ang mga sangkot sa plunder o pandarambong.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na nais niyang panatilihin sa P50 milyon ang threshold para sa plunder na taliwas naman sa panukala ni Senator Bong Go na ibaba sa P10 milyon ang threshold.

Idinagdag ng Pangulo na kung siya lamang ang masusunod  ay mas nais miyang bitayin sa pamamagitan ng lubid ang sinumang mapatutunayang guilty sa pandarambong.

Giit ng Pangulo, mas makamumura ang pagbili ng lubid kumpara sa bala.

Umaasa naman ang Pangulo na susuportahan ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso ang panukalang death penalty.

99

Related posts

Leave a Comment