DU30 BIYAHENG-JAPAN; HAHARAP KAY PM ABE SA BILATERAL MEETING

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN)

SA ikatlong pagkakataon, magtutungo sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 30-31 para sa International Conference on the Future of Asia.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang okasyon ay  pagtitipon ng mga lider ng Asia-Pacific Region kung saan nakatakdang magtalumpati ang Pangulo.

Pagkatapos ng talumpati, haharap si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe para sa idaraos na bilateral meeting.

Bagama’t wala pang detalye, inaasahan ni Panelo na ang pagtungo ng Pangulo sa Japan ay mas lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Japan partikular sa larangan ng kalakalan.

Gayunman, hindi rin masabi ni Panelo kung mayroong mga kasunduan na malalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Pangulo ay unang bumisita sa Japan noong October 2016 at 2017.

 

 

114

Related posts

Leave a Comment