DU30 BUSAL SA BIBIG NG US, CHINA — CPP

us china12

(NI MAC CABREROS)

DISMAYADO ang makakaliwang grupo sa tila walang malinaw at konkretong panindigan ang administrasyong Duterte sa June 9 Recto Bank incident.

“(President) Duterte has displayed utter spinelessness before China,” diin sa statement ng Information Bureau ng Communist Party of the Phippines.

Ayon dito, tila hindi magawa ng Punong Ehekutibo na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea dahil takot ito na mawala ang mga milyong dolyar na kaloob ng China.

Dagdag dito na bukod sa walang karapatang mangisda ang mga Tsino sa lugar na teritoryo ng Pilipinas ay malinaw sa mga ulat na ‘hit and run’ ang pangyayari.

Tila hawak sa leeg ng United States si Pangulong Duterte dahil sa pahayag ng una na may posibleng military intervention alinsunod sa probisyon ng nilagdaang Mutual Defense Treaty.

“At the same time, Duterte is muted and tame amid US noise and threats of military intervention,” dugtong ng CPP statement.

Binanggit ang planong pag-deploy sa USS Stratton upang tulungan ang Pilipinas para maipagtanggol ang exclusive economic zone nito.

194

Related posts

Leave a Comment