(NI BETH JULIAN)
LILIPAD patungong Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 34th ASEAN Summit sa June 22 at 23.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West, na inaasahang dadalo ang 10 ASEAN leaders sa pagpupulong na pangungunahan ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-Ocha.
Ayon kay West, tema ngayong taon ang Advancing Partnership for Sustainability na nagsusulong ng pagkakaroon ng ASEAN community sa ASEAN Summit, na mas epektibo sa pagtugon sa nagbabagong global at regional architecture.
Kabilang sa mga pag-uusapan ay ang pagsusulong ng mas magandang ASEAN community kung saan sa retreat naman ay malaya ang mga ASEAN leaders na pag-usapan ang mga malalaking regional at international issues.
Kasama ng Pangulo sa pagtungo sa Bangkok sina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Trade Secretary Ramon Lopez, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Finance Secretary Carlos Dominguez, Tourism Secretary Bernadette Puyat at Agriculture Secretary Manny Pinol.
129