(NI BETH JULIAN)
TALIWAS sa naunang pahayag, wala na ngayon sa hinagap ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law sa Negros Oriental.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala na sa agenda ng Pangulo ang pagdedeklara ng martial law sa nasabing lalawigan dahil wala namang nagaganap na state of rebellion doon.
“Sa ngayon kasi unbridled patayan pa lang nangyayari. Kasi under the Constitution, dapat may rebellion para magdekla ng Martial Law,” pahayag ni Panelo.
Ipinaliwanag ni Panelo na nakapaloob sa Constitution na maari lamang ipatupad ang martial law kapag may rebelyon.
Giit ni Panelo na sapat na ang 300 puwersa ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police para panatilihin ang peace and order sa lugar.
Batay sa talaan, nasa 21 katao na ang napatay sa Negros Oriental noong buwan lamang ng Hulyo dahil sa gulo sa lalawigan.
153